IS group, sinusubukan nang pumasok sa Pilipinas – MILF

By Kathleen Betina Aenlle March 08, 2016 - 05:32 AM

ISIS in MindanaoNagbigay na ng babala ang pinuno ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na sinusubukan na ng Islamic State (IS) terror group na bumuo ng kanilang sangay dito sa Pilipinas.

Ayon kay MILF chair Murad Ebrahim, simula nakaraang taon ay hinihikayat na ng IS ang kanilang mga taga-suporta sa Mindanao na umanib sa kanila, lalo’t bigong maipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ngunit hindi lamang ito natutuloy at napipigilan lamang nila ang mga taga-suporta ng IS dahil sinasabi nila na mas mabuting solusyon ang kasunduan na kanilang pinirmahan kasama ng pamahalaan noong 2014.

Gayunpaman, nababahala si Murad dahil maaring samantalahin ng IS at iba pang extremist groups ang pagka-dismaya ng mga rebeldeng grupo dahil sa pagkaka-udlot ng BBL, para hikayatin ang mga ito na maki-anib sa kanila.

Kamakailan lamang, ilang mga armadong kalalakihan aniya na nanumpa ng katapatan sa IS ay nag-sagawa ng pakikipag-bakbakan sa mga sundalo sa Lanao del Sur na ikinasawi ng tatlong sundalo at 24 iba pa.

Sa kabila ng mga ulat na pinapasok na ng IS ang teritoryo ng Pilipinas, mariin naman itong pinabubulaanan ng Malacañang at ng militar dahil wala pa naman silang nakikitang ugnayan sa pagitan ng IS at mga teroristang Moro sa Mindanao.

Hindi naman sumusuko ang MILF sa posibilidad na maipag-patuloy pa rin ang peace process.

Ani pa Murad, naniniwala silang ito ang pinakamagandang solusyon sa problema, ngunit napu-pulitika ito.

Hangga’t nakikitaan aniya nila ng pag-asa na umusad ang peace process, hindi nila gugustuhing ibaling ang soulsyon muli sa karahasan.

Umaasa si Murad na ang susunod na magiging pangulo ay susuportahan at ipagpapatuloy ang mga ginawang hakbang ng Aquino administration para makamit ang kapayapaan.

TAGS: IS in PH, IS in PH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.