Bilang ng enrollees para sa SY 2020-2021, lagpas 24.50 milyon na
Umakyat na sa 24.50 milyon ang bilang ng mga estudyante na nakapag-enroll sa bansa para sa School Year 2020-2021.
Ito ay base sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd) bandang 8:00, Biyernes ng umaga (September 18).
Ayon sa DepEd, tinatayang 24,507,802 na ang bilang ng enrollees sa bansa.
Katumbas ito ng 88.24 porsyento ng enrollees noong School Year 2019-2020.
Sa nasabing bilang, 22,349,352 mag-aaral ang nag-enroll sa mga pampublikong paaralan habang 2,105,688 milyon naman ang nasa private schools.
Karamihan sa naitalang kabuuang bilang ng enrollees ay elementarya students na nasa 11,784,610.
Umabot naman sa 7,730,759 ang mga nakapag-enroll sa Junior High School at 2,809,213 sa Senior High School.
Nasa 1,734,308 na mag-aaral ang nag-enroll sa Kindergarten habang 383,904 sa Alternative Learning System.
65,008 naman ang learner with disabilities (non-graded) na nakapag-enroll.
Inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng enrollees.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.