Komite para labanan ang ‘red tape’ sa gobyerno binuo sa Kamara
Bumuo si House Speaker Alan Peter Cayetano ng isang komite upang labanan ang red tape sa pamahalaan.
Tatayong chairman ng binuong Special Committee on Red Tape si Majority Leader Martin Romualdez at mga miyembro naman sina House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, House Committee on Economic Affairs Chair Sharon Garin, House Committee on Public Accounts Chair Mike Defensor at House Committer on Good Government and Public Accountability Chair Jonathan Alvarado.
Nabatid sa source na inatasan ni Cayetano ang bagong buong komite na magsagawa ng pag-aaral at maghain ng panukala upang mapuksa ang red tape sa gobyerno.
Nauna rito, nakipagpulong sina Cayetano at Romualdez kasama ang mga lider ng Senado kay Pangulong Rodrigo Duterte para pag-usapan ang red tape at korapsyon sa pamahalaan.
Sa isang facebook post sinabi ni Cayetano na walang dahilan upang mahinto ang red taoe bago matapos ang termino ng pangulo sa 2022.
Sinabi ng source na posibleng unang magiging resource person ng special committer ang pangulo na nagboluntaryo naman sa pulong na handang humarap sa pagdinig kung siya ay ipatatawag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.