WATCH: Biglaang pagkamatay ng libu-libong isda sa Manila Bay pinaiimbestigahan

Sa kabila ng pahayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ang mababang oxygen level ang dahilan ng pagkamatay ng mga isda sa Baseco Compound sa Maynila, nais pa rin ng isang grupo na maimbestigahan ito.

Ayon sa Baseco Seaside Neighborhood Association, fake news ang pahayag ng BFAR na 10 kilong isda lang ang nasawi.

Narito ang ulat ni Jan Escosio:

Read more...