Sen. Go: Rank classification sa BFP at BJMP tama na ipantay sa PNP
Tamang hakbang ayon kay Senator Christopher Go ang pagbabago sa rank classification at organisasyon ng mga mahahalagang posisyon sa Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Diin ng senador makatuwiran lang na pantay o parehas ang ranggo ng mga bumbero at jail officers sa mga pulis.
“For our uniformed personnel, rank is not simply a rank, it is a symbol of leadership and duty. Therefore, it is just right that we classify the key officers of the BFP and BJMP at par with the rank classification of the PNP,” paliwanag ni Go.
Naniniwala si Go na kapag naisabatas ang Senate Bill No. 1833 magkakaroon ng positibong pagbabago sa organisasyon ng dalawang kawanihan, na tulad ng PNP ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng DILG.
“We need to address the inequality in the rank classification and show our fire and jail officers that we appreciate their devotion to their duty and their sacrifice, dedication and service to the country,” aniya saby dagdag na, “it will also uplift the morale of every uniformed personnel in the BJMP and the BFP.”
Hiling lang nito na kapag nakuha ng mga tauhan ng BJMP at BFP ang kanilang hiling ay mas pagbutihin pa nila ang pagseserbisyo sa mamamayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.