BREAKING: Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, 279,526 na

Mahigit 3,000 pa ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes, (September 18), umabot na sa 279,526 ang confirmed cases ng COVID-19 sa bansa.

Sa nasabing bilang, 65,906 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 3,257 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

87.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.8 porsyento ang asymptomatic; 1.1 porsyento ang severe habang 2.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 47 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 4,830 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 733 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 208,790 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

 

 

Read more...