Mga gamit sa paggawa ng pampasabog nadiskubre sa Northern Samar

May nadiskubreng mga gamit sa paggawang pampasabog ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa San Antonio Island sa Northern Samar.

Ayon sa coast guard, nagtungo ang kanilang mga tauhan sa Brgy. Burabod kasama ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) matapos angulat mula sa mga residente na mayroon silang narinig na pagsabog.

Nang dumating sa lugar nakita ang mga nakiang improvised blasting caps at iba pang explosive components.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP ang lugar ay ginagamit sa paggawa ng dinamita.

Posible umanong ang pagsabog ay dahil sa sinindihang sigarilyo na naitapon malapit sa bundle ng detonating cords.

Isa ang nasugatan sa nasabing pagsabog na dinala sa ospital.

Isinasailalim na sa imbestigasyona ng suspek sa pagsabog at ang may-ari ng lugar.

 

 

 

Read more...