QCPD nakatanggap ng mga bagong armas, robotic vehicle mula sa QC LGU
Nakatanggap ang Quezon City Police District (QCPD) ng mga bagong armas at robotic vehicle na magagamit sa anti-criminality operations ng kanilang District Mobile Force Battalion (DMFB) at Special Weapons and Tactics (SWAT).
Ayon QCPD chief Brig. Gen. Ronnie Montejo natanggap nila ang isang remote-operated vehicle na nagkakahalaga ng P65,299,950; walong bagong sniper rifles na aabot sa P9,008,999 ang halaga at 96 units ngf 9mm sub-machine guns.
Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pag-turnover sa mga gamit sa Camp Karingal.
Nagpasalamat naman si Montejo sa QC Government sa pagkakaloob ng dagdag na mga gamit.
“Undoubtedly, these millions of pesos worth of equipment will improve our operational and anti-criminality program. Let us continue to serve and protect them and let them be proud of their police,” ayon kay Montejo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.