MTCC Branch 1 sa San Jose City, Nueva Ecija sarado hanggang Sept 21

Nagpatupad ng physical closure sa MTCC Branch 1 ng San Jose City Nueva Ecija.

Sa memorandum na inilabas ni Executive Judge Leo Cecilio Bautista, ang pagsasara ay simula ngayong araw hanggang sa Sept. 21.

Ito ay makaraang isang empleyado ng korte ang magpositibosa COVID-19.

Sasailalim sa disinfection ang korte at lahat ng staff nito ay inaatasang mag-work from home.

Maari pa ring ma-contact ang korte sa pamamagitan ng hotline numbers at email accounts.

 

 

 

Read more...