DepEd walang pa-contest na nagbibigay ng libreng laptops at cellphones

By Dona Dominguez-Cargullo September 18, 2020 - 01:36 PM

Pinag-iingat ng Department of Education (DepEd) ang publiko sa mga kumakalat na scam na naghihikayat sa publiko na sumali sa anumang contest upang mabigyan ng DepEd ng libreng laptops at cellphones.

Ayon sa pahayag ng DepEd, hindi ito namimigay ng free wifi at gadgets sa pamamagitan ng anumang online giveaway, raffle draw, o contest.

Ang learning continuity packages na donasyon ng LGUs at partners ay ipinamamahagi sa mga mag-aaral at mga guro sa pamamagitan ng DepEd regional and division offices at mga paaralan.

Maaaring i-report ang mga scam na may kinalaman sa pagbubukas ng klase sa [email protected]

 

 

 

 

TAGS: deped, free gadgets, free wifi, Inquirer News, News in the Philippines, public advisory, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, deped, free gadgets, free wifi, Inquirer News, News in the Philippines, public advisory, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.