P6.5M na halaga ng luxury bags at sapatos nakumpiska ng Customs sa NAIA
Aabot sa P6.5 million na halaga ng mga mamamahaling bag at sapatos ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airoprt (NAIA).
Ang mga bag na may brand na Prada, Gucci, Hermes, Louis Vuitton, Chanel, Christian Dior, Valentino, kabilang ang mga sapatos at iba pang accessories ay pawang idineklarang shampoo.
Batay sa rekord, ang mga kargamento ay naka-nonsign sa isang Reynaldo Tan sa Paircargo Warehouse at galing ng Maisons-Alfort, France.
Layon ng misdeclaration na makaligtas sa pagbabayad ng buwis para sa mga mamahaling bag at sapatos.
Ayon sa BOC, tinatayang nasa 157 piraso ang mga nakumpismang gamit.
Sinabi ni District Collector Carmelita M. Talusan, sasailalim sa seizure at forfeiture ang mga gamit batay sa isinasaad ng Section 1400 in relation to Section 1113 ng CMTA.
\
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.