Mga sementeryo at columbarium sa buong bansa sarado mula Oct. 29 hanggang Nov. 4 – IATF

Isasara na ang lahat sementeryo sa buong bansa sa Undas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, iniutos ng Inter-Agency Task Force ang pagsasara sa lahat ng sementeryo at mga columbarium sa buong bansa simula sa Oct. 29 hanggang sa Nov.

Layunin nitong maiwasan ang pagdagsa ng publiko sa mga sementeryo sa nasabing mga petsa para gunitain ang Undas.

Una nang nagpatupad ng pagsasara sa mga sementeryo ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila sa kasagsagan ng Undas.

Bago at pagkatapos ang nasabing mga petsa ay bukas ang mga sementeryo pero limitado lamang ang papayagan na makapasok.

 

 

 

 

Read more...