Tugon ito ng Department of Foreign Affairs (DFA), kasunod ng utos ni President Rodrigo Duterte na tulungan ang mga Pinoy na nananatiling stranded sa karagatan.
Ayon kay DFA Undersecretary Brigido Dulay sa ginawang validation ng ahensya sa kanilang embahada at konsulada, meron pang natitira na 127 seafarers na stranded sa barko.
Nagpadala na ang DFA ng “note verbale” sa mga embassies sa mga bansa kung saan naroroon ang mga stranded na seafarers.
Kailangan muna ayon kay Dulay na pumayag ang pamahalaan ng mga bansa na makababa ang mga seafarer at padaungin ang barko upang sila ay makababa.
Hamon sa DFA ang ilang mga bansa na may pinaiiral pa ring closure sa kanilang borders o limitado pa rin ang flights.
Ayon kay Dulay mula nang magkaroon ng pandemya ng COVID-19 ang DFA ay nakapagpauwi na ng 61,716 na Filipino seafarers.