Tapos na ang PNP Crime Laboratory sa bahagi nito sa pag-iimbestiga sa Kentex fire tragedy.
Ayon kay Sr. Supt. Emmanuel Aranas, Acting Director ng PNP crime laboratory, natukoy na ang pagkakakilanlan ng pitumpu’t tatlo sa pitumpu’t apat na nasawi sa trahedya noong Mayo a-trese.
Aniya, ang pinakahuli natukoy ang pagkakakilanlan ay isang babae at isang lalaki at ito ay sina Joni Descallar at Marvi Marcelino.
Sinabi ni Aranas na may isa pang babaeng manggagawa ang nawawala at may nakuha rin silang bungo ng tao ngunit wala na silang makuhang DNA sample dahil halos uling na ito.
Ipinaliwanag nito na hindi naman sila maaring magpalabas ng death certificate para sa hindi na natukoy o napangalanang biktima dahil aniya lalabagin nila ang batas kung gagawin nila ito.
Aminado naman si Aranas na kailangan ang death certificate para sa pagkuha ng claims at iba pang benepisyo ngunit iginiit nito na wala silang magagawa ukol dito.
Idinagdag pa ng opisyal na ang bungo ay kabilang sa isa mga unang nakuha nila sa nasunog na pagawaan ng tsinelas at aniya nakuha nila ito sa bahagi ng pabrika kung saan maging ang mga bakal sa semento ay halos matunaw na dahil sa sobrang init.
Ang final report ng PNP Crime Lab ay isusumite kay PNP OIC Deputy Director Leonardo Espina na siya namang magsusumite nito kay Interior Sec. Mar Roxas. / Jan Escosio
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.