Supplies allowance ng mga guro tiyakin na nasa 2021 budget – Sen. Gordon

Nanawagan si Senator Richard Gordon sa mga kapwa senador na tiyakin muna na magkakaroon ng alokasyon ang mga ipinapanukalang allowance para sa mga pampublikong guro.

Ayon kay Gordon kailangan munang matiyak na makakasama sa ipinapanukalang budget para sa susunod na taon ang isinusulong na Senate Bill No 1092 o ang Teaching Supplies Allowance Act.

Layon ng panukala na mabawasan na ang pag-aabono ng mga guro sa pagbili ng mga kinakailangan gamit-pagtuturo kapag nagbalik na ang ‘face to face classes.’

Sinabi ng senador na hindi rin naman maipapatupad ang batas kung maipapasa ito kung ang pondo ay hindi maisasama sa taunang pambansang budget at maaring sumama pa ang loob sa kanila ng mga guro sa halip na matuwa.

Tiwala ang senador na makakabawas sa pasanin ng mga guro kung may katiyakan na taon-taon ay may inaasahan silang pera para ipambili ng kanilang mga gamit sa pagtuturo, tulad ng chalk, eraser at papel.

 

 

 

 

Read more...