Mga kumpiskadong gadgets ng customs dapat ibigay sa mga estudyante ayon kay Sen. Marcos

By Jan Escosio September 18, 2020 - 11:35 AM

Nanawagan si Senator Imee Marcos sa Bureau of Customs na i-donate na lang sa mga mahihirap na estudyante ang mga nakumpiska nilang cellphones at laptops.

Ayon kay Marcos kung nagawa ng kawanihan na na magbigay ng halos 800 smuggled vehicles sa PNP, AFP at iba pang ahensiya ng gobyerno, wala siyang nakikitang dahilan para hindi ipamahagi ang mga nakumpiskang electronic gadgets na magagamit ng mga estudyante.

Pangamba ng senadora, ngayon in-demand ang electronic devices, posible na marami ang magtatangka na magpuslit papasok ng bansa ng mga cellphones, tablets at laptops.

Banggit noong nakaraang buwan 29.5 tonelada ng cellphones, storage devices at electrical items ang kinumpiska ng Customs Bureau dahil walang mga papeles.

Noong nakaraang taon, P100 milyon halaga ng cellphones at tablets mula Hong Kong ang nasabat sa Clark Freeport Zone at sinundan ito ng pagkakakumpiska ng P15 milyon halaga ng second hand cellphone units mula naman South Korea.

Sinabi ni Marcos na kung didinggin ng Bureau of Customs ang kanyang panawagan at sulitin na ng kawanihan ang pagtulong sa pamamagitan nang pamamahagi sa mga bata ng mga cellphones, tablets at laptops bago ang muling pagsisimula ng klase sa Oktubre 5.

 

 

 

 

TAGS: customs, gadgets, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Senator Imee Marcos, Tagalog breaking news, tagalog news website, customs, gadgets, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Senator Imee Marcos, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.