DepEd ginagamit ng ilang indibidwal para humingi ng donasyong pinansyal

By Dona Dominguez-Cargullo September 18, 2020 - 10:50 AM

Nakatanggap ng ulat ang Department of Education (DepEd) na may mga indibidwal na gumagamit sa ahensya para manghingi ng donasyong pinansyal.

Sa inilabas na pahayag ng DepEd, sinabing ang DepEd Central Office at ang tanggapan ng kalihim ay hindi humihingi ng pinansyal na donasyon mula sa anumang indibidwal o organisasyon.

Sinabi rin ng DepEd na wala itong pinahihintulutan na sinuman o anumang grupo na magsagawa ng kahalintulad na aktibidad.

Hinikayat ng DepEd ang publiko na kung mayroong mararanasang katulad na transaksyon, agad iulat sa DepEd Public Assistance and Action Center sa pamamagitan ng mga mobile number na 0919-456-0027 (Smart) at 0995-921-8461 (Globe) o kaya naman ay mag-email sa [email protected].

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, deped, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, deped, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.