Miami Heat wagi sa Game 2 ng Eastern Conference Finals ng NBA

Naitala ng Miami Heat ang 2-0 sa serye sa Eastern Conference Finals ng NBA.

Ito ay makaraang talunin ng Heat ang Boston Celtics sa Game 2 sa score na 106-101.

Lamang ang Celtics sa 1st at 2nd quarter ng laban.

Gayunman, mabilis na nakabawi at nakabol ang heat sa 3rd quarter.

Naging dikitan naman ang laban sa 4th quarter, at sa huli, ang Miami Heat ang nagwagi at naitala ang ikalawang panalo.

Nakapagtala ng 25 points si Goran Gragic habang 21 puntos naman ang naitala ni Bam Adebayo.

 

 

 

Read more...