Sangley Point posibleng maging susunod na ‘province of China’ – Think Tank
Nagbabala ang grupong Pinoy Aksyon for Governance and the Environment (Pinoy Aksyon) na maaring ang Sangley Point sa Cavite ang susunod na matataguriang ‘province of China’.
Bunsod ito ng Sangley international airport project na ang contactor ay isang Chinese company.
Ikinabahala din ng grupo ang planong alisin sa Sangley Point ang Philippine Navy.
Nakapagtataka at imposible ayon sa Pinoy Aksyon ang pahayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea na hindi niya alam na ang kumpanya nan as alikod ng Sangley international airport ay isinailalim sa blacklist ng US dahil sa pagkakasangkot sa reclamation sa West Philippine Sea.
“Something is amiss in the Palace — the seat of government — when members of the Cabinet sing different tunes,” ayon kay Pinoy Aksyon convenor BenCyrus Ellorin.
Sinabi pa ni Ellorin na mismong si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang nagbabala laban sa pagkakasangkot ng China Communications and Construction Co. Ltd (CCCC) sa Sangley Point International Airport project.
“Is this washing of hands, plain cluelessness or what? Either way it does bode well for the country as it strikes serious question on who really is calling the shots now. We need answers,” ani Ellorin.
Kasabay nito, sinuportahan ng Pinoy Aksyon ang panawagan ng Philippine Navy at ilang mambabatas na panatilihin sa Sangley Point ang naval stations.
Naalarma si Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo, dahil ang CCCC ay hindi lang basta construction bagkus mayroon itong ugnayan sa militarization sa South China Sea at panghimasok sa Philippine Exclusive Economic Zone sa West Philippine Sea.
Sa Kamara, inihain ang House Resolution 1199 na layong ipahinto ang relokasyon ng Naval Stations Heracleo Alano at Pascual Ledesma at sa halip ay panatilihin ito sa Sangley Point.
“The Sangley Point Naval Base is where the headquarters of the Philippine Fleet, the headquarters of the Naval Installation Command, and other vital facilities and offices of the Philppine Navy are located,” ayon kay Cagayan de Oro 2nd district congressman Rufus Rodriguez.
Ayon pa kay Ellorin, “For the country to rebound, government leadership needs to shape up, show the way not later but now, as the bottom line of these ‘throw-away policy’ is bad governance and when things turn for the worse, the people suffer more as the fibers that weave the fabric of public accountability and people participation is broken,”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.