Don Marcelino, Davao Occidental muling niyanig ng magnitude 3.3 na lindol
Muling niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 48 kilometers southeast ng bayan ng Don Marcelino, alas-8:07 umaga ng Biyernes (September 18).
May lalim na 109 kilometers at tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
Alas 6:06 ng umaga ay nakapagtala din ng magnitude 3.3 na lindol sa Don Marcelino.
Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 6.4 na lindol noong September 6.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.