Fish mortality sa Baseco Cmpd. sa Maynila dahil sa pagbagsak ng oxygen level ayon sa BFAR
Ang pagbagsak ng oxygen level ang dahilan ng pagkamatay ng mga isda sa Baseco Compound sa Maynila.
Ayon ito sa Bureau of Fish and Aquatic Resources (BFAR), kasunod ng mga pag-uugnay ng ilang grupo sa White Sand Project sa Manila Bay sa pagkamatay ng mga isda.
Sa panayam ng Radyo INQUIRER, kay BFAR Information Officer Nazario Briguera, agad nagsagawa ng imbestigasyon ang BFAR nang kumalat ang mga larawan na mayroong “fish kill” sa Baseco.
Ayon kay Briguera, ang nangyari ay “fish mortality” dahil nasa 10 kilo ng mga isda lamang ang apektado.
Batay aniya sa ginawang imbestigasyon ng BFAR, ang paglutang ng mga isda ay nangyari matapos ang mahabang oras ng pag-ulan.
Kapag nakararanas aniya ng malakas na pag-ulan ay lumalakas ang alon ng tubig at ang mga sediments sa ilalim ng tubig ay umangat.
Dahil sa pag-angat ng sediments ay nagkaroon ng chemical imbalance at bumaba ang antas ng oxygen kaya nahirapang huminga ang mga isda.
Payo nng BFAR sa mga residente sa lugar, huwag kuhanin at kainin ang mga lumutang nang isda.
Ligtas pa rin naman na hulihin at kainin ang mga buhay na isda sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.