Halos 1,000 pang overseas Filipinos nakauwi na sa bansa kahapon – DFA

Mayroong aabot sa halos 1,000 pang overseas Filipinos ang dumating sa bansa kahapon, Sept. 17.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kabilang sa mga dumating ang 150 overseas Filipinos galing ng US West Coast lulan ng DFA-facilitated special PAL repatriation flight.

Mayroon ding mga umuwing Pinoy na galing naman ng Phnom Penh, Cambodia kasama ang 3 distressed OFWs.

Habang 450 pang overseas Filipinos galing Qatar ang dumating sa bansa sakay ng flight PR685 at QR932.

300 OFs din ang nakauwi sa bansa kahapon galing ng Saudi Arabia.

Ang lahat ng bagong uwing OFs ay isinailalim sa swab test at idiniretso muna sa quarantine facilities.

Agad din silang pauuwi sa kanilang pamilya sa sandaling mag-negatibo sa test.

 

 

Read more...