Libreng sakay, entrance at discount, handog sa mga kababaihan ngayong Women’s day

libre sakayIba’t iba ang mga ihahandog ng mga ahensya ng pamahalaan sa mga kababaihan ngayong araw bilang pagdiriwang sa International Women’s Day.

Magkakaroon ng libreng sakay ang LRT-1, LRT-2 at MRT-3 ngayong araw, March 8 para sa mga kababaihan.

Ayon sa Philippine Commission On Women (PCW), ang libreng pasakay na ito ay hatid ng Department of Transportation and Communications (DOTC).

Ang unang batch ng libreng pasakay ay 7:00 am – 9:00 am mamaya, habang ang ikalawang batch naman ay 5:00 pm – 10:00 pm.

Bukod dito, mabibigyan rin ng 50% discount ang mga kababaihang walk-in clients sa Ombudsman Clearance application fee na maaring ma-avail sa central at lahat gn regional offices sa buong bansa.

Libre ring makakapasyal ang mga kababaihan sa National Museum sa buong buwan ng Marso.

Hinimok rin ng Department of Local and Interior Government (DILG) ang lahat ng mga local government units na makiisa sa pagdiriwang ng women’s month sa pamamagitan ng iba’t ibang programang pang-kababaihan.

Read more...