Kapitan ng nasunog na Oil Tanker sa Indian Ocean kakasuhan ng pamahalaan ng Sri Lanka

By Dona Dominguez-Cargullo September 18, 2020 - 06:15 AM

Magsasampa ng negligence at pollution charges ang pamahalaan ng Sri Lanka laban sa kapitan ng isang Oil Tanker na natupok habang naglalayag sa INdian Ocean.

Lulan ng New Diamond ang 1,700 na tonelada ng fuel nang ito ay magliyab na nagresulta sa pagkasawi ng isang Pinoy crew nito.

Ayon sa tagapagsalita ng Attorney-General sa Sri Lanka, may sapat na batayan para kasuhan ang kapitan ng barko sa ilalim ng marine pollution act at criminal negligence.

Pagbabayarin din ng Sri Lanka ang may-ari ng barko na Porto Emporios Shipping Inc. para sa environmental clean-up at damages.

Lulan ng barko ang 23 crew kabilang ang 18 Pinoy nang ito ay magliyab sa Indian Ocean noong Sept. 4.

Ang 22 na nakaligtas sa insidente kabilang ang kapitan ng barko ay naka-quarantine sa hotel sa Southern Port City ng Galle sa Sri Lanka.

 

 

 

TAGS: indian ocean, Inquirer News, New Diamond, News in the Philippines, oil tanker, Radyo Inquirer, Sri Lanka, Tagalog breaking news, tagalog news website, indian ocean, Inquirer News, New Diamond, News in the Philippines, oil tanker, Radyo Inquirer, Sri Lanka, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.