Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 32,639

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (September 17, 3:00 PM) nakapagtala ng 731 na bagong kaso kaya pumalo na sa 32,639 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 9,080
Laguna – 10,432
Batangas – 5,448
Rizal – 6,156
Quezon – 1,523

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 16,033.

Nasa 15,796 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 494 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 4,900
Laguna – 5,470
Batangas – 2,778
Rizal – 1,710
Quezon – 938

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 34 kaya umabot na sa 810 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 205
Laguna – 203
Batangas – 143
Rizal – 209
Quezon – 50

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

 

Read more...