Tarragona, Davao Oriental niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 74 kilometers southeast ng bayan ng Tarragona, alas-3:26 madaling araw ng Biyernes (September 18).

May lalim na 89 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

 

 

Read more...