Cebu Pacific, may higit P4B halaga ng booking cancellations

By Jan Escosio September 17, 2020 - 09:57 PM

Nasa 10 porsyento lang ng mga biyahe ng Cebu Pacific ang gumagana dahil ang aviation industry kasama ng turismo ang dalawa sa mga pinaka-apektadong sektor ng pandemiya dala ng COVID-19.

Sa inilabas na pahayag ng Cebu Pacific, sa simula ng pandemiya, binaha na sila ng refund requests dahil sa pagkansela sa mga biyahe dala na rin ng lockdown.

Aminado ang kumpanya na ang disenyo ng kanilang refund process ay hindi kinakaya ang dami ng mga nais maibalik ang ibinayad na pasahe at nagresulta ito sa backlog.

Agad na binago ang proseso at ayon sa Cebu Pacific, nakapag-refund na sila ng higit P2.4 bilyon dahil sa booking cancellations at ito ay 50 porsyento pa lang ng halaga ng refund requests.

Nangako naman ang Cebu Pacific na kukumpletuhin ang refund requests dahil batid naman ng kumpanya ang sitwasyon ng kanilang mga pasahero.

Sinabi na rin ng kumpanya na ang pagproseso ng refunds ay maaaring abutin pa ng anim na buwan.

TAGS: BUsiness, cebu pacific, Cebu Pacific booking cancellations, COVID-19, Inquirer News, Radyo Inquirer news, BUsiness, cebu pacific, Cebu Pacific booking cancellations, COVID-19, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.