Bahagi ng Roxas Boulevard, isasara sa Sept. 19 para sa International Coastal Clean Up

By Angellic Jordan September 17, 2020 - 05:40 PM

Isasara ang bahagi ng Roxas Boulevard sa Lungsod ng Maynila sa araw ng Sabado, September 19.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ito ay para bigyang-daan ang 35th International Coastal Clean-Up Day.

Apektado ng road closure ang bahagi ng Roxas Boulevard mula P. Burgos hanggang Quirino Avenue, magkaparehong bounds.

Epektibo ang road closue simula 6:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga.

Inabisuhan naman ang mga motorista na pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta.

Sa Northbound:
1. Mula sa Osmena Highway, kumanan sa Quirino, deretso sa Lacson Avenue, kumaliwa sa Tayuman, Capulong St. papunta sa destinasyon.

2 Sa bahagi ng Roxas Boulevard, kumanan sa Edsa, Osmena Highway, kumaliwa sa Quirino Ext, U.N. Avenue, kumanan sa Romualdez, kumaliwa sa Ayala Blvd, Finance Rd, P. Burgos, at kumanan sa Bonifacio Drive papunta sa destinasyon.

Sa Southbound:
1. Mula Bonifacio Drive, maaaring kumaliwa sa P. Burgos, Finance rd, Ayala Blvd, kumanan sa Marcelino St, kanan muli sa Quirino Ave at saka kumaliwa sa Roxas Boulevard patungo sa destinasyon.

TAGS: Inquirer News, International Coastal Clean Up, mmda, MMDA advisory, Radyo Inquirer news, road closure on September 19, Roxas Boulevard road closure September 19, Inquirer News, International Coastal Clean Up, mmda, MMDA advisory, Radyo Inquirer news, road closure on September 19, Roxas Boulevard road closure September 19

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.