Publiko, binalaan ukol sa robbery gangs na nagpapanggap na PDEA agents
Nagbigay ng babala ang Philippine Drug Enforcement Agency – Central Visayas (PDEA RO7) sa publiko ukol sa bagong modus operandi na ginagawa ng ilang robbery gangs.
Sa Facebook, sinabi ng PDEA RO7 na ilang robbery gangs ang gumagamit ng pangalan ng ahensya at nagpapanggap na PDEA agents.
Nakatanggap anila sila ng mga ulat kung saan inaaresto nito ang ilang indibidwal habang nagkukunwaring PDEA agents at dadalhin ang mga biktima sa liblib na lugar para nakawan.
Payo ng ahensya, sakaling makasalamuha ng indibidwal na nagsasabing sila ay PDEA agents na nagsasagawa ng anti-illegal drug operation, laging hingin ang PDEA ID at PDEA badge nito.
Magtanong din anila kung may representante mula sa media at elected official.
“All PDEA anti-illegal drug operations include the conduct of inventory of evidence seized, which is witnessed by a member of the media and any elected official, pursuant to RA 9165,” batay pa sa post.
Sinabi ng ahensya na agad i-report ang naturang insidente sa pinakamalapit na istasyon ng pulis o tumawag sa numero ng PDEA RO7 na 0922-689-3786.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.