Pagpabor ng DPWH sa pagbibigay ng proyekto sa ibang mga kongresista, kinuwestyon sa Kamara
Kinuwestyon ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves ang hindi balanseng paghahati ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng budget sa iba’t ibang distrito para sa taong 2021.
Sa pagtatanong ni Teves kay Public Works Secretary Mark Villar, sinabi nito na may mga maliit na distrito pero malalaki ang budget.
Mayroon aniyang P8 bilyon sa isang distrito pero ang kanyang distrito na pang walo sa absorptive capacity ay nasa P2 bilyon lamang.
Sabi ni Teves, karapatan ng publiko na malaman ang nangyari sa mga proyekto.
Bagama’t hindi binanggit ni Teves kung anong mga distrito ang pinaglaan ng malaking infrastructure project, sinabi nito na wala siyang kinakalaban sa kanyang pagbubunyag sapagkat kaibigan at schoolmate niya si Speaker Alan Peter Cayetano.
Paliwanag naman ni DPWH Secretary Mark Villar, may ilang distrito o lugar na may mataas na pondo para sa infra dahil kadalasan na naroon ang mga itinatayong flagship na proyekto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.