Orange rainfall warning, nakataas sa Palawan at Occidental Mindoro

By Angellic Jordan September 17, 2020 - 02:47 PM

Patuloy na nakararanas ng malakas na pag-ulan ang ilang lalawigan sa Visayas.

Sa abiso ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, ito ay bunsod ng umiiral na Southwest Monsoon o Habagat.

Nakataas ang orange warning sa northern portion ng Palawan at Kalayaan Islands, at maging sa Occidental Mindoro.

Nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha sa mabababang bahagi at pagguho ng lupa sa mga mabubundok na bahagi ng mga nasabing lugar.

Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto at tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.

TAGS: breaking news, habagat, Inquirer News, orange rainfall warning, Pagasa, Radyo Inquirer news, southwest monsoon, thunderstorm advisory, weather update September 17, breaking news, habagat, Inquirer News, orange rainfall warning, Pagasa, Radyo Inquirer news, southwest monsoon, thunderstorm advisory, weather update September 17

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.