outbrain

Malaking pondo ng DFA sa 2021 nakalaan para sa repatriation ng mga OFW

By Erwin Aguilon September 17, 2020 - 11:45 AM

Prayoridad sa panukalang pondo ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa susunod na taon ang pagpapauwi sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sa pagdinig ng Kamara sa P22.092B proposed 2021 budget ng DFA, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na nakasentro ang kagawaran para tiyakin na matutulungan ang mga Pilipino sa ibayong-dagat na makabalik ng bansa lalo na ang mga nawalan ng trabaho bunsod ng COVID-19 pandemic.

Mas mataas ng .49 percent ang panukalang pondo ng DFA sa 2021 kumpara ngayong taon.
Sa ngayon ay nasa 178,000 OFWs na ang napapauwing OFWs sa bansa at mayroon pang 177,000 na naghihintay sa kanilang repatriation.

Ipinauubaya naman ng DFA sa Kongreso kung dadagdagan ang kanilang pondo partikular sa Assistance to Nationals Program (ATN).

Para sa 2021 ay aabot sa P1.259 Billion ang alokasyon para sa proteksyon ng karapatan at pagsusulong ng kapakanan ng mga OFWS sa ilalim ng ATN na bahagya lang mataas sa P1.258 Billion ngayong 2020.

 

 

TAGS: DFA, Inquirer News, News in the Philippines, ofw, Radyo Inquirer, repatriation, Tagalog breaking news, tagalog news website, DFA, Inquirer News, News in the Philippines, ofw, Radyo Inquirer, repatriation, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.