Tinapyas sa budget sa mga SUCs ipinababalik sa CHED

Hinikayat ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago ang Commission on Higher Education na ibalik ang mga tinapyas na pondo para sa state universities and colleges (SUCs) at sa medical scholarship program.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa 2021 proposed budget ng CHED lumabas na 19 sa mga SUCs ang binawasan ang kanilang alokasyon sa susunod na taon, 18 SUCs naman ang tinapyasan ang MOOE at 56 SUCs ang binawasan ang kanilang capital outlay.

Kinaltasan din ng 60% ang budget para sa scholarship habang wala namang alokasyon para sa cash grants sa mga medical students.

Paliwanag ni CHED Chairperson Prospero de Vera, mayroong pondo para sa cash grants sa mga medical students dahil na-retain naman ang pondo nito sa 2020 sa 2021 National Expenditure Program.

Sa katunayan aniya ay mayroong 1,789 medical students ang kasalukuyang nabigyan na ng grants.

Nanawagan naman si de Vera sa Kongreso na mag-realign muli ng budget upang mabigyan ng pondo ang medical scholarship program sa mga susunod na taon.

hindi naman katanggap-tanggap para kay Elago na ngayon pang may pandemya nagkaroon ng pagtatapyas sa pondo sa mga SUCs at scholarship kaya hiniling nito sa Kongreso ang pagbabalik sa mga inalis na pondo.

 

 

 

 

 

Read more...