Pagdami ng mga tambay ibinabala ng TUCP

By Jan Escosio March 07, 2016 - 08:52 PM

Job fair
Inquirer file photo

Asahan nang mahihirapan na makahanap ng trabaho ang may 1.2 Million College at Vocational graduates ngayon taon.

Ayon kay Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) spokes man Alan Tanjusay, ito ay dahil sa mismatched sa kanilang napag-aralan at kakayahan sa kung anong mga katangian ang hinahanap ng mga employers.

Aniya, ang job-skills mismatch sa bansa ay matagal ng problema at patuloy pa aniya na lumalala ito.

Paliwanag ni Tanjusay na patindi nang patindi ang kumpetisyon kayat nagdadagdag ng qualifications sa job descriptions para mapanatili nila ang mataas na kalidad sa labor force.

Base pa sa datos mula sa Labor Department, noong taong 2014 at 2015 ay umabot sa 3,686 job fairs ang isinagawa sa ibat ibang panig ng bansa kung saan mahigit 4.2 Milyon ang trabahong inalok pero 391,088 lang ang tinanggap on the spot mula sa mahigit 1.2 Milyon aplikante.

Ipinaliwanag din ni Tanjusay na mahalagang ma-review ng pamahalaan ang curriculum na nilalaman ng mga kurso para hindi mapag-iwanan sa world standards ang mga Pinoy.

TAGS: College graduates, Tanjusay, TUCP, Vocational, College graduates, Tanjusay, TUCP, Vocational

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.