Service interruption ng Maynilad sa ilang lugar sa Las Piñas, Parañaque, Pasay, Muntinlupa at Cavite magsisimula na mamayang gabi

By Dona Dominguez-Cargullo September 17, 2020 - 11:25 AM

Magsisimula na mamayang gabi ang mararanasang service interruption sa ilang lugar sa Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, Pasay, at Cavite na sinserbisyuhan ng Maynilad.

Ito ay dahil sa gagawing pansamantalang pagsasara ng Maynilad sa Putatan Water Treatment Plant 1 nito sa Muntinlupa City.

Magsasagawa kasi ng maintenance works at upgrades sa nasabing pasilidad, at ilang enhancement activities sa pipe network sa Cavite City.

Dahil dito, ang mga customer ng Maynilad sa ilang bahagi ng Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, Pasay, at Cavite ay pansamantalang makakaranas ng paghina ng water pressure hanggang sa tuluyang pagkawala ng suplay ng tubig sa loob ng ilang oras, sa pagitan ng alas 10:00 ng gabi ng Sept. 17, 2020 (Huwebes) at alas 7:00 ng umaga ng Setyembre 19, 2020 (Sabado).

Pinapayuhan ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig na sasapat sa oras ng water service interruption.

May standby water tankers din ang Maynilad para mag-deliver ng tubig kung kinakailangan.

Narito ang mga apektadong lugar:

https://www.facebook.com/MayniladWater/photos/a.2384139031892953/2384139451892911/

TAGS: cavite, Inquirer News, las pinas, maynilad, Muntinlupa, News in the Philippines, Paranaque, Pasay, Radyo Inquirer, service interruption, Tagalog breaking news, tagalog news website, cavite, Inquirer News, las pinas, maynilad, Muntinlupa, News in the Philippines, Paranaque, Pasay, Radyo Inquirer, service interruption, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.