Timezone Philippines nagbebenta na ng gamit
Sa limitadong operasyon ng mga mall ngayong may pandemya ng COVID-19, apektado ng husto ang mga pasyalan at laruan.
Kahit kasi sa mga lugar na nakasailalim na sa general community quarantine, bagaman bukas na ang mga mall, sarado pa rin ang mga sinehan, at iba pang entertainment establishments gaya ng laruan ng mga bata.
Ang Timezone Philippines napilitan nang ibenta ang ilang sa kanilang mga gamit.
Sa Facebook post ng Timezone, ibinebenta na nito ang kanilang “hotshot” na arcade version basketball machine na mayroong automatic digital scoring system sa halagang P65,000.
P55,000 naman ang halaga ng air hockey table na mayroong overhead playfield illumination at large score displays.
Kamakailan, nagsara na ang popular na fun zones gaya ng Jumpyard at KidZania dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.