Global cases ng COVID-19 mahigit 30 million na
Umabot na sa mahigit 30 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Huwebes (Sept. 17) ay 30,025,096 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 306,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 39,000 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 97,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapatala ng dagdag na 37,300 na mga kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 6,827,790
India – 5,115,893
Brazil – 4,421,686
Russia – 1,079,519
Peru – 744,400
Colombia – 736,377
Mexico – 676,487
South Africa – 653,444
Spain – 614,360
Argentina – 589,012
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.