Bahagi ng Quezon at Laguna uulanin sa susunod na mga oras – PAGASA

Makararanas ng pag-ulan sa ilang bayan sa Quezon at Laguna.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 8:30 ng umaga ngayong Huwebes (Sept. 17), mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa lalawigan ng Quezon at sa sumusunod na mga bayan sa Laguna:

– Santa Maria
– Mabitac
– Famy
– Siniloan
– Pangil
– Pakil
– Paete
– Kalayaan
– Lumban
– Cavinti

Pinapayuhan ang mga apektadong residente na maging maingat sa posibleng flashflood.

Ang nararanasang pag-ulan ay epekto ng Habagat.

 

 

Read more...