September 17 ng kada taon, ipagdiriwang bilang “National G Day” ng Globe

Simula ngayong araw, Sept. 17, 2020 ay uumpisahan ng Globe ang taunang selebrasyon ng “National G Day”.

Ayon kay Globe President at CEO Ernest Cu, pinili ang petsang Sept. 17 dahil sa “0917” na numero ng Globe.

Taun-taon tuwing sasapit ang nasabing petsa ay magkakaroon ng pagdiriwang at pa-premyo ang Globe para sa kanilang subscribers.

“Ang selebrasyon na ito ay aming munting paraan upang kilalanin ang aming minamahal na Globe customers. May pandemya man, hindi ito magiging hadlang upang ipagdaos pa din ang 0917 celebration, kaya’t makisaya na sa aming pa-premyo at kasiyahan,” ayon kay Cu.

Aabangan ng mga Globe subscribers ang “G Chance the Raffle” – pinakamalaking raffle draw na magsisimula ngayong September 17.

Makakatanggap ang Globe customers ng raffle codes na manggagaling sa Globe Rewards o Globe at Home Apps.

Maaari ring magamit ang reward points at gawin itong raffle codes.

Sa “G Chance the raffle”, pwedeng manalo ng 5G smartphones, gaming consoles, Nintendo Switch, Segway Ninebot, Samsung products, Xiaomi Mi Box, Globe Rewards points, GCash credits, at marami pang iba.

Puwede din gamitin ang Globe Rewards upang makakuha ng 917 lifestyle essentials at discount codes para sa Konsulta MD, Puregold, Health Now, Healthway Clinics, Zalora, Grab, Lazada, Shopee at iba pa.

Para naman sa mga music-lovers, mayroong “G Music Fest” online kung saan tampok ang LANY, The Juans, Massiah, Kiana Valenciano, UDD, SB19, Ben & Ben, at December Avenue.

Mapapanood ng libre ang music fest sa September 26, alas 4:00 ng hapon sa GlobePH – ang official Facebook Page ng Globe.

Para naman sa mga gamers, maari sumali at maging isa sa 1,000 teams na maglalaban-laban sa G Legends Cup kung saan aabot sa P600,000 ang pa-premyo.

Ayon sa Globe, pinakamalaki ito sa larangan ng amateur Mobile Legends tournament para sa Globe customers.

Sa mga interesadong sumali, maaring mag-redeem ng tournament codes via Globe Rewards app at pumunta sa globe.com/NationalGDay upang magamit ang codes para i-rehistro ang inyong team.

Malalaman ang mga mapipiling teams sa September 17. Sila ay maglalaban-laban at ang matirirang teams ay maghaharap sa G Legends Cup finals na gaganapin naman sa September 24.

Ang top 64 teams ay mananalo rin ng cash prizes na matatanggap nila sa kanilang GCash accounts.

Para naman sa mga business owners, gaganapin sa September 23 ang kauna-unanahang Globe myBusiness G Summit 2020 na pinamagatang “Usapang Diskarte: Pivot your Business to Success.”

Abangang ang mga local at international experts gaya nila Josh Linkner na #1 most booked innovation speaker at New York times bestselling author. Mayroon ring mga experts at business leaders na mula sa Google, Taxumo, at CIA Bootle Manila. Dito ay maaring matuto ang mga negosyante sa pag-innovate at kung papano makakatulong ang digital transformation upang mas mapalago ang inyong mga negosyo sa new normal.

Alamin ang samu’t saring pakulo na nagaantay sainyo sa nalalapit na National G Day. I-download ang Globe Rewards app at Globe at Home app.

 

 

Read more...