Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon muling nadagdagan

Muling nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 178.05 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (September 17) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 176.50 meters.

Bahagya namang nabawasan ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.33 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 99.37 meters habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 79.05 mas mababa sa antas nito kahapon na 79.04 meters.

Samantala, ang water level ng Binga at Pantabangan dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Ambuklao, San Roque, Magat at Caliraya dams.

 

 

 

Read more...