outbrain

Jose Abad Santos, Davao Occidental muling niyanig ng lindol

By Mary Rose Cabrales September 17, 2020 - 07:02 AM

Muling niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 73 kilometers northeast ng bayan ng Jose Abad Santos, alas-6:35 ng umaga ng Huwebes (September 17).

May lalim na 33 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Nauna ng naitala ang magnitude 3.5 na pagyani sa lugar kaninang alas-4:22 ng madaling araw.

 

 

 

TAGS: Davao Occidental, earthquake, Inquirer News, Jose Abad Santos, News in the Philippines, phivolcs, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Davao Occidental, earthquake, Inquirer News, Jose Abad Santos, News in the Philippines, phivolcs, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.