FDA nagbabala sa publiko sa pagbili ng ilang Chinese Medicine
Naglabas ng babala sa publiko ang Food and Drug Administration (FDA) sa pagbili ng ilang brand ng Chinese Medicine.
Ayon sa FDA, hindi rehistrado sa ahensya ang “Jinling Fast-Act Cold Capsules (10’s)” at ang “Wong Tai Chiu Mdicine Fty. Ser Lee Tan (6s)”.
Ayon sa FDA, sa isinagawang Post-Marketing Surveillance ng ahensya, napatunayan na hindi dumaan sa registration process ang mga gamot at hindi nabigyan nga authorization para ibenta ito sa merkado.
Ibig sabihin ay hindi tiyak na ligtas at mabisa ito at maari itong magdulot ng panganib sa kalusugan ng publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.