Operating budget ng PNP dadagdagan

crame

Nais ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na madagdagan ang kanilang pondo para sa taong 2017 partikular ang MOOE o  Maintenance and Other Operating Expenses ng bawat pulis.

Ayon kay PNP Chief Dir. Gen. Ricardo Marquez, mula sa dating P1,000 ay gagawing P1500 ang MOOE budget sa bawat pulis.

Batay umano sa kanyang ginawang pag-aaral kinakailangan ng dagdagan ang pondo dahil nagdagdag na rin ng mga patrol vehicles pero nanatiling P1000  lang ang pondo sa MOOE ng bawat PNP member.

Sa ngayon aniya dahil sa pinaiigting nila ang police visibility, kaakibat nito ay karagdagang pondo para sa PNP operations.

Giit pa ni Marquez, kung may sapat na pondo para sa maintenance ng mga patrol vehicles katulad ng gastos pang gasolina at iba pang gastusin ay mas magiging maganda ang performance ng kanyang mga tauhan.

Nauna nang sinabi ng pamunuan ng PNP na pinag-aaralan na rin ang ilan pang mga non-financial benefits para sa mga tauhan ng pambansang pulisya.

Read more...