Sa magdamag, mahigit 97,800 pa ang naitalang dagdag na kaso ng sakit sa naturang bansa.
Mahigit 4 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India, habang mahigit 1 milyon pa ang active cases.
May naitala ding dagdag na mahigit 1,100 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.
Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay mahigit 83,000 na.
Ang India ay pumapangalawa na sa US na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Pangatlo naman ito sa mga bansa na nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng nasawi.
READ NEXT
Facebook Page na tutugon sa katanungan tungkol sa PUV Modernization Program inilunsad ng LTFRB
MOST READ
LATEST STORIES