20 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Baguio City; 11 sa mga bagong kaso mula sa isang slaughterhouse
Nakapagtala ng clustering ng kaso ng COVID-19 sa isang slaughterhouse sa Baguio City.
Kahapon, 20 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 11 ay mula sa isang slaughterhouse na nauna nang nakapagtala ng 5 kaso noong Sept. 14.
Kabilang sa mga bagong kaso na naitala sa slaughterhouse area sa Santo Niño ay isang 2 buwang gulang na sanggol, isang 2 taong gulang na bata at isang 4 na taong gulang na bata.
Ang Baguio ay mayroon nang 483 total confirmed cases ng COVID-19.
Sa nasabing bilang, 121 ang active cases, 11 ang nasawi at 351 ang gumaling.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.