Ayon sa 5AM weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay inaasahang tatama sa kalupaan ng northern o central Vietnam ng hapon o gabi.
Inaasahan ding lalakas pa ito sa susunod na mga oras at aabot sa severe tropical storm category.
Huling namataan ang bagyo sa layong 360 kilometers north ng Kalayaan Islands sa Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 105 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.
Ayon sa PAGASA, Habagat na pinalalakas ng bagyong Leon ang magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw.
Mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na ulan ang mararanasan sa MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Caraga, Aurora, at Quezon.
Nakataas ang gale warning sa Gale western seaboards ng Palawan kabilang ang Kalayaan Islands, Occidental Mindoro, Zambales, at Bataan dahil sa malakas na hangin na maaring magdulot ng mataas na alon.