outbrain

Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 31,908

By Mary Rose Cabrales September 17, 2020 - 05:27 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (September 16, 3:00 PM) nakapagtala ng 294 na bagong kaso kaya pumalo na sa 31,908 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 9,026
Laguna – 10,094
Batangas – 5,316
Rizal – 5,974
Quezon – 1,498

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 15,830.

Nasa 15,302 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 421 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 4,806
Laguna – 5,385
Batangas – 2,558
Rizal – 1,639
Quezon – 914

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 6 kaya umabot na sa 776 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 198
Laguna – 198
Batangas – 125
Rizal – 205
Quezon – 50

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

 

 

 

 

TAGS: COVID Cases Calabarzon, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID Cases Calabarzon, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.