Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 5,290

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Martes, September 15) , nadagdagan ng 130 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 5,290.

Sa nasabing bilang 1,260 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nasa 258 kung saan 4 ang nadagdag.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 6,808 na.

 

 

 

 

 

Read more...