Nag-crash na chopper, nasa medical mission – PAF

By Jan Escosio September 17, 2020 - 01:04 AM

Sinabi ng Philippine Air Force na magsasagawa ng medical evacuation mission ang kanilang mga tauhan na sakay ng bumagsak na S-76A helicopter sa Lantawan, Basilan.

Sa inilabas na pahayag ng Air Force, mga tauhan ng kanilang 505th Search and Rescue Group ‘Angels’ ang apat na nasawi ngunit hindi pa kinilala ang mga ito.

Bandang 12:33 ng tanghali nang lumipad ang helicopter na patungo sa Jolo, Sulu at dakong 1:24 nang matanggap ang ulat ukol sa pagbagsak ng isang helicopter sa Barangay Upper Manggas sa Lantawan.

Agad na rin ipinaalam sa pamilya ng apat ang trahedya at ang mga labi ay dinala na sa Zamboanga City.

Magsasagawa ang Air Force ng maintenance inspection sa lahat ng kanilang S-76A helicopters at magpapadala din sila ng grupo sa Lantawan para imbestigahan ang insidente.

TAGS: 505th Search and Rescue Group Angels, chopper crash in Basilan, Inquirer News, medical evacuation mission, Philippine Air Force, Radyo Inquirer news, S-76A helicopter, 505th Search and Rescue Group Angels, chopper crash in Basilan, Inquirer News, medical evacuation mission, Philippine Air Force, Radyo Inquirer news, S-76A helicopter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.