238 pang residente sa Mandaluyong City, gumaling sa COVID-19

Napaulat ang 65 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 3:59, Miyerkules ng hapon (September 16), 3,926 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 799 ang aktibong kaso.

35 ang itinuturing na probable cases habang 1,743 ang suspected cases kung saan 13,254 ang cleared na.

238 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 2,998 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.

Umakyat naman sa 129 ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...